-- ADVERTISEMENT --

Naitala ang humanoid robot na AgiBot A2 sa kasaysayan matapos makalakad ng 106.286 km mula Suzhou hanggang Shanghai sa loob ng 56 oras nang walang direktang kontrol mula sa tao. Gumamit ang robot ng sariling sensors at AI upang makaiwas sa aksidente at nakapagpakita rin ng ekspresyon sa digital screen nito na ikinagulat ng mga nakasaksi.

Natapos ang paglalakad sa Bund waterfront promenade sa Shanghai, kung saan itinuro nito ang Oriental Pearl TV Tower bilang finish line at nag-wave sa mga tagamasid. Ang tagumpay na ito ay kinikilala bilang milestone sa larangan ng robotics.