-- ADVERTISEMENT --

Kampante ang Akbayan Party-list na sapat ang impeachment complaint na kanilang sinuportahan laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang 855-pahinang reklamo, na may kasamang ebidensya at annexes, ay isinampa ni Tindig Pilipinas kasama ang ilang civil society leaders, at inendorso nina Akbayan Rep. Perci Cendaña at Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima. Inakusahan si Duterte ng paglabag sa Saligang Batas, graft at korapsyon, panunuhol, pagtataksil sa tiwala ng publiko, at iba pang malalaking krimen.

Hinimok ng Akbayan ang bise presidente na harapin ang mga paratang nang direkta, kasabay ng pagtutol sa sinasabing motibong pampulitika sa reklamo.