-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Kasunod ng pagbubukas ng 20th Congress, balak ni Aklan 1st District Congressman Jess Marquez na kunin ang chairmanship ng Science and Technology committee.

Ayon sa kanya, nais niyang ipagpatuloy ang mga naiwang mga programa at bills ng kanyang amang si dating Congressman Carlito Marquez upang matulungan at matutukan ang larangan ng siyensiya at teknolohiya.

-- ADVERTISEMENT --

Maraming bills aniya ang pumasa sa ilalim ng tatlong taong pamumuno ng kanyang ama bilang chairman ng naturang komite.

Isa umano ito sa kanyang wishlist dahilan na umaasa siyang mapagbigyan ang kanyang inaplayang committee chairmanship.

Sa kabilang daku, kinumpirma rin ng Cong. Marquez nga bomoto siya kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na muling nahalal bilang Speaker sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso kahapon.

Si Romualdez ay ni-nominate umano ni Lakas-Christian Muslim Democrats at Quezon Rep. David Suarez.

Nakakuha si Romualdez ng 269 boto.

Ang 3 karibal na sina Navotas Rep. Toby Tiangco, Bacolod Rep. Albee Benitez at Cebu Rep. Duke Frasco ay hindi naman bumoto sa speakership race at nagdesisyon na maging independent.