KALIBO, Aklan — Nagpahayag ng pagdadalamhati at kinundina ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang brutal na pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang.
Si Aklan Governor Jose Enrique “Joen” Miraflores sa pamamagitan ng kaniyang official Facebook account ay nagpaabot ng kalungkutan at pagkundina hinggil sa pagpaslang sa beteranong journalist.
“It is with profound sadness and shock that I learned of the tragic death of Mr. Juan P. Dayang. The senseless and brutal manner of his passing deeply grieves not only his family and friends, but the entire province of Aklan and the nation,” bahagi ng pahayag ni Governor Miraflores.
Ayon sa gobernador, si Dayang ay naging haligi na ng ating komunidad, isang iginagalang na pinuno, at dedikadong lingkod-bayan. Ang kanyang dekadang karera ay nag-iwan ng hindi mabuburang marka sa peryodismong Pilipino, humubog sa kalakaran ng media, at nagtaguyod ng kalayaan ng pamamahayag.
“His contributions to Aklan Press Club, Publishers Association of the Philippines, the Manila Overseas Press Club, National Press Club, Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, and numerous other organizations speak volumes of his unwavering commitment and passion. His service as Mayor of Kalibo further demonstrated his dedication to the betterment of our province,” dagdag na pahayag.
Ayon pa kay Miraflores, sa kabila na nakababahala ang pagpatay sa 89 anyos na journalist, ngunit tinitiyak nito sa publiko na ang lokal na pamahalaan ng Aklan ay makikipagtulungan sa mga awtoridad sa kanilang ginagawang imbestigasyon.
Hiling niya ang mabilis at masusing imbestigasyon upang mapanagot ang mga may kagagawan at maibigay ang hustisya sa lalong madaling panahon.
Ipinaabot ng gobernador na sa ngalan ng mga mamamayan ng Aklan, ang kanyang taos-puso pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan at mga mahal sa buhay ni Dayang sa panahong ito ng pagdadalamhati.