-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Epektibo ngayong araw ng Lunes,  Nobyembre 3, isinailalim sa red alert status ang buong lalawigan ng Aklan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Typhoon Tino, ayon sa Aklan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sinabi ni Jeffrey Jizmundo, acting head ng PDRRMO-Aklan sa isinagawang media briefing,  ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Aklan Governor Jose Enrique Miraflores matapos na kabilang ang Isla ng Panay sa mga tutumbukin ng bagyo bukas ng Martes, Nobyembre 4 batay sa ipinalabas na bulletin ng Pagasa.

Aniya, inaasahan ang malalakas na ulan, matitinding hangin, landslides at posibleng storm surge, lalo na sa mga mababang lugar at malalapit sa baybayin.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa 100 hanggang 200 mm ng ulan ang maaring ibagsak sa Aklan at buong Western Visayas.

Activated na rin umano ang operation center ng Aklan PDRRMO.

VC…cue out…si  Jeffrey Jizmundo, acting head ng PDRRMO-Aklan 

Dagdag pa ni Jizmundo na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga barangay at iba’t ibang ahensya upang tiyakin ang kahandaan at mabilis na pagtugon sakaling kailanganin ang paglikas.

Pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Tino ngayong araw at posibleng maka-apekto sa Visayas area sa Nobyembre 4 hanggang 5.

Nauna dito, sinuspinde ang klase simula ngayong araw hanggang bukas ng Martes gayundin ang pasok sa trabaho sa provincial government.

Lalo pa itong lumakas at naging typhoon na maaaring mag-udyok sa pagtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa ilang lugar.

Pinapayuhan ang lahat ng residente na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na anunsyo ng PDRRMO, Pagasa at ng Aklan provincial government at agad na sumunod kapag iniutos ang paglikas.