-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Umabot sa 634,422 ang populasyon ng Aklan noong Hulyo 1, 2024, batay sa 2024 Census of Population ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Peter Mangilog, Senior Statistical Specialist it PSA Aklan, katumbas ito ng 13 porsyento ng kabuuang populasyon sa Western Visayas na nasa 4.86 milyon.

Tumaas ang populasyon ng Aklan ng 18,947 mula noong 2020, ngunit bumagal ang annual growth rate sa 0.73%, kumpara sa 1.45% noong 2015–2020.

Nanguna ang Kalibo bilang pinakamataong bayan na may 93,218 katao, sinundan ng Malay (64,723), Ibajay (53,399), New Washington (49,204), at Nabas (41,568) kung saan, bumubuo ang limang bayang ito ng 47.6% ng kabuuang populasyon ng lalawigan.

Pinakamaliit naman ang populasyon ng mga bayan ng Lezo (16,200) at Madalag (19,043).

-- ADVERTISEMENT --

Pinakamaraming tao ay nasa Eastern District ng Aklan na may 321,601, samantalang ang Western District ay may 312,821.

Opisyal na idineklara ang resulta ng census ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo 11, 2025, sa bisa ng Proclamation No. 973.

Samantala, dagdag pa ni Mangilog na hindi lamang sa household ang kanilang kinukunan ng data kundi maging sa iba pang institusyon o facility gaya ng kulungan, simbahan, hotels at iba pa.