-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Malungkot na balita ang bumungad sa isang Aklanon dancer na miyembro ng Choreo N’ Cream sa kanilang pag-uwi sa Aklan.

Ito ay matapos pumanaw ang ama ni Prince Juanico dahil sa karamdaman, dalawang oras bago ang pagsabak sa kompetisyon.

Nabatid na lumipad papuntang Dubai ang grupo noong Hulyo 8 upang lumahok sa World Supremacy Battlegrounds, kun saan sila ang itinanghal na kampeon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Facebook post nang kanyang kapatid na si Yxcily Domingo Juanico, sinasabing hindi muna ipinaalam kay Prince ang nangyari sa kanyang ama upang hindi maapektuhan ang performance nito.

Sa kanilang pag-uwi sa Aklan makalipas ang tatlong araw na pananatili sa Dubai, sa halip na selebrasyon,  malungkot na balita ang sumalubong kay Prince nang madatnang pinaglalamayan na ang kanyang ama sa kanilang bahay.

Kasama sana sa plano ni Prince sa napanalunang premyo ay maipagamot ang kanyang may sakit na ama.

Nagpasalamat naman ito sa mga indibidwal na tumulong sa kanila.