-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Naniniwala si Atty. Harry Sucgang, isang political analyst sa Aklan na bahagi ng political promise ang dahilan kung bakit ipinagpaliban ang gaganapin sanang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Gayunpaman, naniniwala ito na ‘unconstitutional’ o labag sa saligang batas ang bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na nagpapaliban sa eleksyon sa Disyembre 1  sa Nobyembre 2026.

Aniya, tama lamang ang ginawang pagtatanong ni election lawyer Romulo Macalintal sa legalidad ng nasabing hakbang sa Korte Suprema.

Maituring umanong illegal dahil sa binago nito ang probisyon ng Konstitusyon.

Ang fix na petsa sa  pagsasagawa ng Barangay and SK elections ay nakasaad aniya sa saligang batas dahilan na kahit ang Supreme Court ay hindi makapagpalit nito dahil sa kung gustuhin ay kailangan pang  amyendahan ang Konstitusyon.

-- ADVERTISEMENT --

Kung ang punto lamang ay pagbabago sa  term of office, maaari itong ipatupad matapos ang eleksyon.

Malaki aniya ang posibilidad na magpapalabas ang Korte Suprema ingTemporary Restraining Order (TRO) at ideklarang unconstitutional ang batas.