-- ADVERTISEMENT --

SPORTS News — Pumasok sa quarterfinals ng Guangzhou Open sina Filipina tennis star Alex Eala at kanyang Ukrainian partner na si Nadiia Kichenok matapos talunin ang ika-apat na seed na sina Emily Appleton ng Great Britain at Qianhui Tang ng China sa iskor na 6-4, 6-2.

Nagpakita ng matibay na kombinasyon sina Eala at Kichenok sa loob ng isang oras at walong minuto, gamit ang agresibong returns at matatag na net play upang makuha ang panalo sa dalawang set.

Si Eala, na kasalukuyang may doubles ranking na No. 207, at si Kichenok, No. 62, ay susunod na makakaharap ang tambalan nina Polina Kudermetova (No. 221) at Kamilla Rakhimova (No. 60) para sa puwesto sa semifinals ng torneo.