-- ADVERTISEMENT --

Nakamit ni Pinay Tennis Star Alex Eala ang malaking upset nang talunin ang world no. 8 at dating kampeon ng torneo na si Jasmine Paolini ng Italy, 6-1, 7-6 (7-5), at umabante sa third round ng Dubai Tennis Championships.

Namayagpag si Eala sa unang set at nakipagsabayan sa mahigpit na laban sa ikalawang set laban sa ika-anim na seed ng torneo.

Ito na ang ika-anim na torneo ni Eala ngayong taon, at ang kanyang tanging pro title ay ang WTA 125 sa Guadalajara noong nakaraang taon.