-- ADVERTISEMENT --

Isang superfan ng Stranger Things mula sa Estados Unidos ang kinilalang may pinakamalaking koleksiyon ng memorabilia mula sa hit na serye ng Netflix. Ang kolektor na si Joey Avalos, isang artist na nakabase sa Chandler, Arizona, ay nakapagtala ng 2,301 piraso ng iba’t ibang Stranger Things items.

Nagsimula ang kanyang koleksiyon sa mga Funko Pop! figures at kalauna’y lumawak hanggang mapuno ang halos buong bahay ng mga memorabilia na may temang mga iconic na lokasyon at karakter sa serye. Kabilang sa kanyang mga pag-aari ang mga bihirang figurines, Demogorgon statue, replika ng gitara ni Eddie Munson, at kumpletong Stranger Things comic books, kabilang ang ilang rare at signed editions.

Ipinapakita ng koleksiyon ni Avalos ang patuloy na kasikatan ng Stranger Things, na nananatiling isa sa mga pinaka-tinatangkilik na palabas ng 2025, at ang matibay na fandom na patuloy nitong binubuo sa buong mundo.