Nagkaroon ng sorpresa sa podcast na Hanging Out with Ant and Dec matapos bumisita ang Guinness World Records sa UK TV presenters na sina Ant McPartlin at Dec Donnelly. Ang panauhin ay nakilalang si Will Munford, isang opisyal na adjudicator, na nag-anunsyo ng isang world record attempt.
Sinubukan ni Ant ang hamon sa speed eating para sa pinakamaraming saging na binalatan at nakain sa loob ng isang minuto ngunit hindi niya nalampasan ang rekord na walong saging na itinakda noong 2012. Nakapagtala siya ng isa sa unang attempt at tatlo sa ikalawa.
Samantala, patuloy na kinikilala ang Ant at Dec bilang kabilang sa pinakamatagumpay na TV presenters sa UK, matapos magtala ng 24 na sunod-sunod na panalo bilang Best TV Presenter sa National Television Awards mula 2001 hanggang 2024.











