-- ADVERTISEMENT --
Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang pangangailangan na maisabatas ang Comprehensive Anti-Political Dynasty Bill upang matuldukan ang “toxic political family drama.”
Sinabi ito ni Cendaña sa gitna ng away ng mga miyembro ng pamilya Marcos kung saan inakusahan ni Senator Imee Marcos ang First Lady Liza Araneta Marcos at kanilang mga anak ng paggamit ng ilegal na droga.
Giit ni Cendaña, ang pasabog ni Senator Imee ay nagpapakita na hindi dapat gawing isyung pampamilya ang pamumuno sa bansa upang hindi maapektuhan ang lagay ng bayan.
“Yung mga bagay na over sunday lunch pinag-uusapan, hindi dapat nakakaapekto sa lagay ng bayan.”
-- ADVERTISEMENT --













