-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Apat na motorsiklo ang ipinagkaloob ng Police Regional Office 6 sa Kalibo Municipal Police Station upang palakasin ang police visibility at mapabilis ang pagtugon sa mga emerhensiya sa bayan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jerick Vargas, hepe ng Kalibo MPS, bahagi ang mga motorsiklo ng 10 unit na ipinamahagi sa ilang himpilan ng pulisya sa Aklan sa pagbisita ni Police Regional Director Brigadier General Randulf Tuaño.

Inaasahang makatutulong ang mga motorsiklo sa pagpapatrolya, lalo na sa matataong lugar, masisikip na kalsada at oras ng matinding trapiko.

Nakatakda ring gamitin ang mga ito sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa University Games ngayong Oktubre 23 hanggang 30, Undas, at mga susunod na aktibidad para sa Ati-Atihan Festival 2027.

Hinimok din ni Vargas ang publiko na agad magreport sa pulisya o tumawag sa 911 kung may makitang kahina-hinalang indibidwal o nangangailangan ng tulong.

-- ADVERTISEMENT --