Nagsampa ng kaso ang aktor na si Arron Villaflor laban sa taong umano’y nagrekord at nagpakalat ng kanyang pribadong video na kumalat kamakailan sa social media.
Itinuturing ng aktor na paglabag sa Republic Act No. 9995 ang hindi awtorisadong pagre-record at pamamahagi ng nasabing video, na sakop ng mga batas laban sa digital abuse at paglabag sa privacy.
Nilinaw din ni Villaflor na ang nauna niyang pahayag noong Pebrero 27 ay tumutukoy lamang sa mga lumang film clips mula sa kanyang mga proyekto, habang ang kamakailang kumalat na footage ay isang seryosong usaping kriminal.
Samantala, kabilang din sina Nikko Natividad at Gil Cuerva sa mga aktor na naglabas ng pahayag kaugnay ng kumakalat na mga video online na umano’y kuha nang walang pahintulot.













