-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Naging emosyunal ang isang fur parent matapos na mamatay ang kanyang alagang aso dahil sa karamdaman.

Ayon kay Albert Manalo ng Oyo Torong St. Kalibo, itinuturing niyang parang sariling anak ang kanyang mga alagang aso dahilan na binigyan niya ng disenteng lamay ang kanyang namatay na aso.

Kagaya sa ordinaryong lamay na ibinibigay sa namatay na tao, nakalagay rin sa isang kabaong ang asong si Mikko.

Pinalilibutan ito ng mga korona ng patay at may nakapatong na nakasinding kandila.

Dagdag pa ni Manalo na itinuturing niyang anak ang aspen na halos 15 anyos na niyang inaalagaan bago sumakabilang buhay noong nakaraang araw dahil sa namagang spleen.

-- ADVERTISEMENT --

Kahit na masakit aniya ang pagkamatay ng kanyang alaga na iniiyakan pa rin niya hanggang ngayon ay pinipilit niyang hindi masyadong maapektuhan dahil sa edad niyang 70 ay bawal na siyang ma-stress at ma-depress.

Grabe umano ang kanilang bonding ng kanyang aso na hindi niya itinuturing na hayop kundi tao dahil maliban na malambing ay magtakabi pa silang natutulog.

May kanya-kanya umanong yaya ang kanyang mga aso na ngayon ay lima na lamang ang natitira upang mag-asikaso sa kanilang pangangailangan.

Nagpapakain rin umano siya at namimigay ng mga dog food tuwng kaarawan ng mga ito.