Ipinaabot ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na iimbestigahan sina businessman Charlie “Atong” Ang at aktres na si Gretchen Barretto makaraan silang idawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon Remulla na ang dalawang personalidad ay isasama sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) makaraang ituro ni Julie Patidongan, alyas Totoy, si Ang bilang mastermind umano sa pagdukot at itinuturo rin si Barreto sa pagkawala ng mga sabungero.
Samantala, iginiit naman ni Ang na siya ay inosente kasabay ng paghahain ng reklamo laban kay Patidongan sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office, Huwebes ng umaga, Hulyo 3.
Aniya, si Patidongan at ang isa pang dating empleyado ay nagbanta na idadamay siya sa kaso ng mga nawawalang sabungero kung tatanggi itong magbigay ng P300 milyon.