-- ADVERTISEMENT --

Ipinagtanggol ni Charlie “Atong” Ang si Gretchen Barretto laban sa alegasyong sangkot ito sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Itinanggi ng negosyante ang akusasyon ni alyas “Totoy” o Julie “Dondon” Patidongan na may nalalaman umano ang aktres tungkol sa insidente.

Ayon kay Ang, si Barretto ay isa lamang sa mga investor ng kanilang grupong “Group A” at ginagamit sa marketing ng negosyo. Giit pa niya, walang kinalaman ang aktres sa anumang ilegal na aktibidad.

Kasabay nito, itinanggi rin ni Ang ang paratang na siya ang “mastermind” sa pagkawala ng mga sabungero at naghain na ng mga reklamo laban kay alyas “Totoy” dahil sa umano’y maling alegasyon.

Samantala, iginiit ng Department of Justice na may bigat at kredibilidad ang testimonya ni alyas “Totoy” kaugnay sa kaso.