Patay ang isang 50-anyos na lalaking Australiano matapos makagat ng paniki na may dalang Australian bat lyssavirus, isang bihira ngunit nakamamatay na sakit na kahalintulad ng rabies., ayon sa mga opisyal ng kalusugan sa New South Wales.
Kinumpirma ng NSW Health na ilang buwan bago mamatay, nakagat ng paniki ang biktima sa hilagang bahagi ng estado. Bagama’t nabigyan ng lunas, patuloy ang imbestigasyon kung may iba pang dahilan sa kanyang pagkamatay.
Nakukuha ang virus sa laway ng paniki kapag nakakagat o nakakasugat.
Maaaring lumabas ang sintomas matapos ang ilang araw o taon, nagsisimula sa lagnat at sakit ng ulo, at nauuwi sa paralisis at pagkamatay.
Pinapayuhan ang publiko na huwag humawak ng paniki.
Tanging mga sanay at nabakunahang wildlife handlers lamang ang dapat makipag-ugnayan sa mga ito.
Kung makakagat, dapat hugasan agad ang sugat ng 15 minuto gamit ang sabon at tubig, maglagay ng antiseptic, at agad magpaturok ng rabies vaccine.
Hindi pa tukoy kung anong uri ng paniki ang sangkot sa pinakahuling kaso.