-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang babae sa Batangas dahil sa pamemeke ng e-wallet payment receipts gamit ang artificial intelligence upang makabili ng mga produkto online na nagkakahalaga ng P33,000.

Makikita sa surveillance photos na nakipag-ayos siya sa isang undercover agent para tanggapin ang mga produkto bago siya arestuhin.

Ani Terrence Agustin, Executive Officer ng NBI Batangas, “Gumagamit siya ng AI para magmukhang totoo ang mga resibo. Nagpakita siya ng screenshot ng bayad na wala naman talaga.”

Karaniwang inuorder ng suspek ang mga produkto sa peak hours upang hindi mahuli. Nahaharap siya sa reklamong estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act at kasalukuyang nakakulong sa Batangas City.

-- ADVERTISEMENT --