KALIBO, Aklan — Ibinida ng Police Regional Office 6 (PRO-6) ang naka-deploy na EOD Robot MK3 Caliber kasama ang portable X-ray at Bomb Suite sa isinagawang Site Task Group AtiFest send-off ceremony para sa selebrasyon ng Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2026 na pinangunahan ni Regional Director P/Brig. Gen. Josefino Ligan.
Makakatulong umano sa pulisya ang robot na kayang maka-detect ng mga pampasabog upang palakasin ang seguridad para sa festival na magtatagal hanggang sa Enero 18.
Sa kabila nito, nilinaw ni Brig. Gen. Ligan na wala namang namomonitor ang PNP na anumang banta sa seguridad sa kasalukuyan.
Nasa 3,000 na force multipliers ang nakakalat na sa buong bayan ng Kalibo partikular sa festival zone areas para tiyakin ang kaligtasan ng mga festival goers.
Kasabay nito, binalaan ni Ligan ang kapulisan na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kabuuan ng festival.













