Bahagyang humina ang Bagyong Bising habang tumatawid sa Taiwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) madaling araw ng Lunes nang iangat nito ang signal ng hangin sa Batanes.
Si Bising, na may pang-internasyonal na pangalan na Danas, ay muling pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Linggo at nag-landfall sa timog-kanluran ng Taiwan.
Ang bagyo ay nasa layong 405 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes kaninang alas-4 ng umaga. Taglay nito ang hanging 130 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 190 kph, ayon sa state weather bureau.
Kumikilos pahilagang silangan sa bilis na 25 kph, inaasahang lalabas ng PAR si Bising ngayong Lunes ng umaga.
Bagama’t hindi na direktang nakakaapekto ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa, ang habagat ay maaari pa ring magdulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Ilocos Region hanggang Martes.
Nagbabala ito na ang pagbaha at pagguho ng lupa ay nananatiling may posibilidad sa mga lugar na ito.