Bahagyang humina na ang bagyong Opong at ngayon ay isa nang severe tropical storm mula sa pagiging typhoon matapos itong mag-landfall sa Eastern Visayas.
Ito ay habang tinatahak niya ang bahagi ng Masbate sa Bicol region.
Ayon sa pinakahuling ulat, namataan ang sentro ng bagyo sa may Palanas, Masbate.
Taglay nito ang lakas na hangin: 110 km/h malapit sa gitna.
May pagbugso ng hangin na hanggang 150 km/h.
Kumikilos ito nang 30 km/h patungong kanluran-hilagang kanlurang direksyon.
Signal No. 3
Sorsogon, Masbate, Ticao at Burias Islands
Albay
Kanluran at timog ng Camarines Sur
Timog ng Quezon
Marinduque, Romblon
Oriental at Occidental Mindoro, Lubang Islands
Batangas
Timog ng Laguna
Northern Samar
Hilaga at gitna ng Eastern Samar
Hilaga at gitna ng Samar
Biliran
Hilagang bahagi ng Leyte
Signal No. 2
Catanduanes, natitirang bahagi ng Camarines Sur at Camarines Norte
Natitirang bahagi ng Quezon at Laguna
Rizal, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan
Timog ng Zambales
Calamian Islands
Natitirang bahagi ng Eastern Samar at Samar
Hilaga at gitna ng Leyte
Hilagang bahagi ng Cebu, Camotes at Bantayan Islands
Pinakahilagang bahagi ng Negros Occidental
Hilagang bahagi ng Iloilo
Capiz, Aklan
Hilagang-kanlurang bahagi ng Antique, Caluya Islands
Signal No. 1
Gitna at timog ng Isabela
Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao
Timog-kanlurang bahagi ng Mountain Province
Benguet, timog ng Ilocos Sur
La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac
Natitirang bahagi ng Zambales
Cuyo Islands
Hilagang bahagi ng mainland Palawan
Southern Leyte, natitirang bahagi ng Leyte
Silangan at gitna ng Bohol
Gitnang bahagi ng Cebu
Hilagang bahagi ng Negros Oriental
Hilaga at gitna ng Negros Occidental
Gitnang bahagi ng Iloilo
Gitnang bahagi ng Antique
Dinagat Islands at Surigao del Norte, kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands