WEATHER UPDATE — Patuloy na magdadala ng pag-ulan ang Bagyong #TinoPH sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Miyerkules, Nobyembre 5, ayon sa PAGASA.
Makakaranas ang Palawan, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro ng mabagyong kondisyon ng panahon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa malakas hanggang sa matinding pag-ulan na dala ng Bagyong Tino.
Ang bagyo ay magdadala rin ng malakas na hangin at katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Romblon at Kanlurang Visayas.
Bilang resulta pa rin ng Bagyong Tino, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, at nalalabing bahagi ng Luzon.
Magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Silangang Visayas at ang nalalabing bahagi ng Mindanao dulot ng mga localized thunderstorms.













