-- ADVERTISEMENT --

Umakyat sa $5.87 bilyon ang kabuuang bayad ng Pilipinas sa panlabas na utang mula Enero hanggang Mayo, bahagyang mas mataas kaysa $5.84 bilyon sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naitala ang pagtaas sa parehong principal payments na umabot sa $2.65 bilyon at interest payments na lumobo sa $3.22 bilyon dahil sa mataas na global borrowing costs.

Sa kabuuan, sumirit ng 16% sa $17.16 bilyon ang bayad-utang panlabas ng bansa para sa 2024 mula $14.85 bilyon noong 2023.

Gayunman, sinabi ng BSP na nananatiling “manageable” ang debt service burden kumpara sa kita mula sa exports at iba pang external receipts.

Pinakahuling datos ay nagpapakitang umabot sa $146.74 bilyon ang kabuuang panlabas na utang ng bansa hanggang Marso 2024, mas mataas ng halos 7% mula sa nakaraang quarter at 14% kumpara noong isang taon.

-- ADVERTISEMENT --