-- ADVERTISEMENT --

Hindi ikinatuwa ng grupo ng mangingisda ang nangayari na banggaan sa pagitan ng China Coast Guard at Chinese Navy ship kasunod ng paggitgit ng mga ito sa barko ng Pilipinas sakay ang Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng kadiwa operations sa lokal na mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Joey Marabe, Vice President for Admin ng Panatag at provincial coordinator ng grupong PAMALAKAYA Zambales, hindi sila natuwa sa nangyare dahil may napahamak na indibidwal ngunit maituturing itong karma sa bahagi ng China dalin sa agresibong pag-angkin ng teritoryo na hindi kanila.

Sa kabila ng nangyare, naging matagumpay ang pamimigay ng ayuda sa mga mangingisda na ito ang kanilang lubos na kailangan ngayon sa ganitong panahon.

Samantala, patuloy ang kanilang panawagan na panatilihin ang matatag na paninindigan na ilaban ang karagatan na pagmamay-ari ng Pilipinas.

Umaasa sila pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi aatras ang Pilipinas sa anumang mga banta na ginagawa ng China.

-- ADVERTISEMENT --

Dapat lamang umano na hindi magpatinag ang Pilipinas sa kabila ng patuloy na pang-harass ng China sa mga barko nito sa West Philippine Sea (WPS).