Ha Long Bay, Vietnam — Hindi bababa sa 34 katao habang maraming iba pa ang nawawala matapos na tumaob ang isang tourist boat sa Ha Long Bay, Vietnam, sanhi ng masamang panahon kung saan, ang mga sakay ay karamihan mga Vietnamese mula sa Hanoi.
Ayon sa mga awtoridad, ang bangka na may pangalang Wonder Seas ay may sakay na 53 katao nang tumaob ito matapos makaranas ng biglaang pagbayo ng bagyo.
Inihayag ng mga naka-saksi na nakaranas ng malakas na ulan at pagtama ng kidlat sa panahon ng insidente.
Sa kabila ng matinding paghihirap ng mga rescuer dahil sa malakas na ulan, nakaligtas ang mga ito ng 11 katao.
Isang 10-taong-gulang na bata ang nakaligtas matapos makulong sa isang air pocket sa ilalim ng lumubog na bangka.
Sa mga bangkay na narekober, walo sa mga ito ay mga bata.
Patuloy naman ang paghahanap sa iba pang mga nawawala.
Samantala, ipinaabot ni Prime Minister Pham Minh Chinh ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi kung saan, ipinag-utos nito sa mga awtoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at mahigpit na ipapatupad ang mga parusa sa mga lumabag sa mga regulasyon.
Ang Ha Long Bay, isang Unesco World Heritage Site, ay isa sa mga pinakapopular na destinasyon pang-turismo sa Vietnam.