Umapela ang council ng Barangay Dumga, Makato sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na abisuhan na ang contractor ng national highway na sakop ng nasabing barangay.
Ito ay matapos na naging instant swimming pool dulot ng ilang araw na pag-ulan.
Maliban dito, takaw aksidente sa mga motorista at mga byahero dahil sa konting mali sa pag-daan sa nasabing highway ay sigurado na matutumba ang mga travelers.
Ayon kay Dumga Punong Barangay Leovigildo Villanueva, konti nalang sana at matatapos na ang nasabing proyekto ngunit hindi parin ito ginagalaw ng ahensya.
Dagdag pa nito, may pumupuntang dalawa hanggang tatlong construction workers ngunit hapon na at bitbit ang mga pinutol-putol na bakal at kung magtrabaho ay maikling oras lamang.
Nakakalungkot ayon sakanya makita na parang ini-insultuhan ang nasabing proyekto sa social media at malaki talaga itong perwisyo sa mga byahero. Dahilan na umapela sila sa ahensya ng gobyerno na bigyan ito ng nararapat na solusyon para sa kaligtasan ng mga motorista.