-- ADVERTISEMENT --

Dead on arrival ang isang 42-anyos na lalaki matapos na makuryente sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan.

Ayon kay PMsgt. John Bert Zaulda, desk information investigation officer ng Libacao Municipal Police Station, batay sa kanilang nakalap na impormasyon, ang biktima ay isang Barangay electrician ng nasabing lugar kung saan pinakiusapan uman siya ng isang residente na kung pwedeng matignan nito ang kanilang linya ng kuryente na nakalagay sa may palayan mahina umano ito at nag-flat rate.

Habang binubusisi ng biktima ang linya ng kuryente na direktang naka-konekta sa poste, posibelng nahawakan umani nito ang may leakage na bahagi na nag-dulot ng pagka-kuryente.

Agad namang pinagtulungan ng mga residente sa lugar na madala pa sa Libacao Municipal Infirmary ngunit idineklara na itrong dead on arrival.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang ginagawan imbestigasyon sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Paalala naman ni PMsgt. Zaulda, na kung may kailangang ayusin sa mga may koneksyon sa kuryente, mas mabuting humingi nalang ng tulong sa mga eksperto at may mga kaukulang gamit sa pagsasa-ayos.