-- ADVERTISEMENT --

LIBACAO, Aklan — Arestado ng pulisya ang barangay tanod na walang habas umanong nagpaputok ng baril sa Sitio Proper,  Brgy. Loctuga, Libacao, Aklan.

Kinilala ng Libacao Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Joan”, sa legal na edad, at residente ng nabanggit na lugar.

Inaresto ito sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Montalid P. Patnubay Jr., ng Regional Trial Court (RTC)-Aklan.

Nakumpiska mula sa nahuling tanod ang isang unit ng homemade .38 revolver na kargado ng apat na bala, isang fired cartridge ng M16, isang fired cartridge ng .38 revolver at isang boga.

-- ADVERTISEMENT --

Isang concerned citizen rin umano ang nag-report sa pulisya na isang bata ang aksidenteng tinamaan ng bala sa kanyang paa matapos mahulog ang baril ng suspek mula sa kanyang bag.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.