-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at pagbabago sa termino ng mga mahalal na opisyal.
Ngunit ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bagama’t nalagdaan na ng Pangulo ang nasabing batas, patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa BSKE.
Nakatakda sana sa unang araw ng Disyembre ang eleksyon sa halip ay isasagawa na lamang ito sa buwan ng Nobyembre sa susunod na taon.