-- ADVERTISEMENT --

KALIBO Aklan — Suportado ng grupong BAYAN Panay ang pagsusulong at pagpapatupad nga Anti-political dynasty bill.

Ayon kay Elmer Forro, eto ang isa sa matagal nang ipinapanawagan ng kanilang grupo kung saan tila ginagamit nalang umano ito ng mga politiko bilang negosyo at hindi na paninilbihan sa mamamayan ang kanilang layunin.

Ngunit, hindi rin nawawala ang kanilang pagdududa dahil ang nagtutulak ng nasabing panukala ay nag-mula rin pamilyang isa sa pinakamaliking political dynasty sa bansa.

Aniya, tila pangpakalma lamang ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa lumalakas na ang panawagan ng mamamayan na dapat siyang managot sa matinding korapsyon na nangyayari sa lipunan.

Isa rin sa nakikitang rason ay ang pressure mula sa mga malawakang kilos-protesta na isinasagawa ng mamamayan kabilang na ang mga mnalalaking grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, mahirap na ipatupad ito lalo na’t halos lahat ng nakaupong kongresista ay nanggagaling rin sa political dynasty.

Iginiit ni Forro na umaasa siyang seseryosohin ito ng pangulo dahil malaki ang magiging epekto nito sa buong bansa.