-- ADVERTISEMENT --

Mahigpit na ipinapaalala ng Bureau of Fire Protection o BFP Kalibo na hindi lamang ang sariling ari-arian ang kinakailangan na ingatan kundi pati ang mga kalapit na bahay.

Dahilan na kailangan ayon kay Fire Senior Inspection Officer Delsie De Borja ng BFP Kalibo na bago umalis ng bahay papunta sa sementeryo o sa bakasyon man ay kailangan na siguraduhoing nakapatay ang circuit breaker ng connection ng kuryente at walang nakasaksak na mga appliances.

Maliban dito, siguraduhin ng nakasarado ang mga gastove, burner at liquified petroleum gas para makaiwas sa anumang insidente ng sunog.

Dagdag pa ni De Borja, hindi lamang sunog ang dapat na iwasan kundi maging ang mga magnanakaw na sigurado na naghahanap lamang ng pagkakataon na makapan-lamang dahilan na siguraduhing nakasarado ng mabuti ang mga bahay upang maingatan ang mga ari-arian.