-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Walang anumang naitalang major untoward incident ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Kalibo sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan de Bautista sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay FO2 John Vincent Nufable, chief supervisor ng BFP-Kalibo na sa kanilang pagbabantay sa tatlong gabing “Kaean-an sa Kalye” sa Martelino Street sa likod ng Kalibo Pastrana Park hanggang sa iba’t-ibang event sa Pook jetty port sa araw mismo ng kapistahan ay naging payapa at maayos ang sitwasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil bahagi ng selebrasyon ang pagbabasa, humingi muna sila ng permiso sa mga taong nasa lugar bago nagsagawa ng “misting” gamit ang kanilang fire truck.

Malaki rin ang kanilang pasasalamat dahil batay sa kanilang monitoring kasama ang pulisya, Philippine Coast Guard, PDRRMO at MDRRMO at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno, wala namang naitalang insidente ng pagkalunod.

Dalawang vehicular accident lamang umano ang kanilang nirespondehan.

Sa kabilang daku, naging makulay at masaya ang mga programa na inihanda ng lokal na pamahalaan ng Kalibo para sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan Bautista.

Ito ay matapos na maraming mga mamamayan ang lumahok sa isinagawang fun run at Zumbasaan sa Pook Jetty Port.

Tagumpay ang lahat ng mga event na isinagawa sa Martelino Street, Pook Jetty Port, at Mabilo Beach.

Nagtapos ang selebrasyon sa pamamagitan ng Hydro Music Festival 4.0.

Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, nagpakalat ang LGU ng mga rescue teams at security personnel sa tulong ng mga tanod sa mga lugar ng aktibidad, lalo na sa mga mataong lugar at coastal areas.