-- ADVERTISEMENT --
Naglabas ng opisyal na music video ang OPM girl group na BINI para sa kantang Unang Kilig, na inilabas sa kanilang YouTube channel noong Marso 5.
Tampok sa halos limang minutong video ang ilang kilalang personalidad kabilang sina Vhong Navarro, Gerald Anderson, Richard Gutierrez, at Ogie Diaz. Lumabas din sa video sina Charo Santos-Concio, Olivia Lamasan, at Cathy Garcia-Sampana.
Ang kanta ay tungkol sa unang yugto ng pag-ibig at unang kilig. Inilunsad ito ng grupo bilang handog sa kanilang fans na BLOOMs noong fan meet na Kiligan Fest noong Araw ng mga Puso.
Ang “Unang Kilig” ang unang music release ng BINI ngayong 2026, kasunod ng kanilang extended play na FLAMES na inilabas noong Nobyembre 2025.
tagline for ear care
-- ADVERTISEMENT --













