-- ADVERTISEMENT --
Pinarangalan ang P-pop group na BINI bilang “Powerhouse” sa Women in Music awards ng Billboard Philippines bago ang kanilang pag-alis para sa Coachella performace.
Ito na ang ikatlong sunod na kinilala ang grupo sa nasambing award-giving body, matapos silang parangalan bilang “Rising Star of the Year” noong 2024 at “Women of the Year” noong 2025.
Samantala, nagsagawa na rin ang grupo ng final rehearsal para sa kanilang inaabangan na pagtatanghal sa Coachella, kung saan positibo ang naging pagtanggap ng kanilang management.
Nakatakdang magperform ang BINI sa Coachella sa Abril 10 at 17.













