-- ADVERTISEMENT --
Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Letters of Authority (LOA) upang magsagawa ng tax audit kay Vice President Sara Duterte, sa kanyang asawa na si Manases Carpio, at siyam na kumpanyang iniuugnay sa kanila.
Ayon sa BIR, may sapat na basehan upang simulan ang pormal na imbestigasyon sa buwis gamit ang impormasyong mula sa third-party sources, pampublikong rekord, at opisyal na datos. Kasama rin sa sinuri ang testimonya mula sa Office of the Ombudsman at ulat ng Anti-Money Laundering Council.
Nilinaw ng ahensya na ang LOA ay simula pa lamang ng audit at hindi pa patunay ng pananagutan. Tiniyak din ng BIR na susundin ang due process at igagalang ang karapatan ng lahat ng sangkot.












