-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang paghahanap ng mas maagang paraan ng pagtukoy sa Alzheimer’s disease na apektado ang mahigit 7 milyong matatandang Amerikano.

Sa isang pag-aaral na inilathala sa Nature Communications, natuklasan na ang blood test para sa protinang pTau217 ay maaaring makakita ng senyales ng sakit kahit wala pang sintomas, at posibleng mas maaga kaysa sa brain scans.

Batay sa pagsusuri sa mahigit 300 kalahok sa loob ng walong taon, mas mabilis ang paglala ng kondisyon sa may mataas na antas ng pTau217, habang mababa naman ang panganib sa may mababang antas nito.

Bagama’t may potensyal, hindi pa inirerekomenda ang naturang pagsusuri bilang regular screening, ngunit inaasahang makatutulong ito sa mas maagang diagnosis at pag-iwas sa sakit sa hinaharap.

-- ADVERTISEMENT --