-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News– Hindi na kailangang magpakita ng purchase booklet ang mga senior citizen upang makakuha ng 20% diskuwento sa mga gamot at kagamitang medikal, ayon sa bagong kautusan ng Food and Drug Administration (FDA).

Batay sa Department Circular 2025-005 na inilabas ng FDA, inalis na ang booklet sa listahan ng mga kailangang iprisinta para makakuha ng benepisyo, alinsunod sa Department of Health (DOH) Administrative Order 2024-0017 at sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Inatasan ang mga botika at tindahan ng medical devices na sumunod sa bagong patakaran upang matiyak na makikinabang ang mga nakatatanda nang hindi na kinakailangang magsumite ng dagdag na dokumento.

Bahagi ito ng inisyatibo ng administrasyong Marcos na gawing mas madali at mabilis ang pagkuha ng mga benepisyo sa kalusugan para sa mga senior citizen.