Mahigit 100,000 na tagahanga ang dumalo sa comeback concert ng K-pop superstars na BTS sa Seoul, Korea.
Ito ang kanilang unang pagperform bilang grupo matapos ang halos apat na taon na pahinga dahil sa mandatory military service.
Isinagawa ang konsiyerto malapit sa Gyeongbokgung Palace kung saan nagtipon ang fans mula sa iba’t ibang panig ng bansa para mapanoond ang grupo.
Ipinahayag ng HYBE na tinatayang nasa 104,000 ang audience base sa ticket sales at mobile data, samantala mas mababa naman ang bilang ayon sa pulisya.
Kasabay nito, ipinalabas ng grupo ang kanilang bagong album na ARIRANG, na agad na nakatala ng milyun-milyong benta sa unang araw.
Kasunod ng concert, sisimulan ng BTS ang kanilang world tour sa Abril 9 sa Goyang, na inaasahang maglilibot sa iba’t ibang lungsod sa buong mundo.













