-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Nananatiling kanselado ang mga byahe ng iba’t ibang uri ng sakayang pandagat mula sa Caticlan port, Malay, Aklan papuntang Batangas, Romblon at Mindoro port vice versa.

Ito ay bilang pre-cautionary measure at pag-iingat na rin sa banta ng Bagyong Uwan matapos na isinailalim sa tropical cyclone wind signal number 1 ang buong lalawigan ng Aklan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lt. Commander Val Ernie P. Daitao, chief commander ng Philippine Coast Guard Aklan, mismong ang mga shipping company na rin aniya ang nagkansela ng kanilang mga byahe matapos na hindi na makalayag papunta sa nasabing mga port entry dahil sa malakas at malaking alon dulot ng malawak na sakop ng Bagyong Uwan

Dagdag pa ni Daitao na mahigpit nilang minomonitor ang mga karagatan upang tiyakin na walang makakalusot na mga sakayang pandagat lalo na ang mga maliliit na mangingisda para na rin sa kanilang kaligtasan.


Mahigpit rin ang kanilang monitoring sa mga pantalan sa Aklan at binigyan na rin ng ayuda partikular ang ready to eat food ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang mga stranded na pasahero sa Caticlan port dulot ng pagkansela ng byahe ng mga sakayang pandagat.

-- ADVERTISEMENT --