Umapela na ang Cambodia para sa mabilisang tigil-putukan sa Thailand, matapos ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa patuloy na sagupaan sa kanilang border.
Ayon sa Cambodia’s UN Ambassador Chhea Keo, umapela na ang bansa ng truce ng walang kondisyon at nais ang isang mapayapang solusyon.
Sa kasalukuyan ay nasa 32 katao na kinabibilangan ng mga sundalo at sibilyan ang nasawi at halos 200,000 ang naapektuhan sa sagupaan.
Nagpatuloy naman ang gulo hanggang nitong araw ng Sabado at umabot sa 140,000 na mga Thai ang inilikas mula sa mga lugar na apektado ng gulo.
Inakusahan ng Thailand ang Cambodia sa paggamit ng mga drone at pag-atake sa mga lugar na malapit sa kanilang border habang sinisisi naman ng Cambodia ang Thailand sa paggamit ng cluster munitions.
Patuloy ang tensyon sa mga lalawigan ng Surin, Ubon Ratchathani, at Srisaket ng Thailand, at nagdeklara ng martial law ang bansa sa mga distrito malapit sa Cambodia.
Ang gulo ay nag-ugat pa noong kolonisasyon ng Pransya na nagdulot ng matinding tensyon sa gitna ng dalawang bansa matapos ang pagkasawi ng isang Cambodian soldier noong Mayo.