HEALTH News — Nagbabala ang mga cardiologist ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) na ang matagal at hindi napapamahalaang stress ay maaaring magdulot ng seryosong sakit sa puso.
Itinuturing ang stress bilang pangunahing risk factor ng cardiovascular disease, lalo na kung nauuwi ito sa kakulangan sa tulog at iba pang komplikasyon.
Pinayuhan ang publiko na panatilihin ang maayos na tulog na pito hanggang siyam na oras kada araw, kumain ng balanseng pagkain, mag-ehersisyo, at iwasan ang paninigarilyo at vaping. Binanggit din ang diabetes at mataas na cholesterol bilang mga salik na nagpapataas ng panganib sa sakit sa puso.
Ayon sa datos ng BGHMC, tumaas ang bilang ng mga pasyenteng may sakit sa puso noong pandemya mula sa tinatayang 1,000 kaso hanggang mahigit 4,000, na iniuugnay sa stress at hindi malusog na pamumuhay.













