-- ADVERTISEMENT --

Kasabay ng pagsisimula ng Kwaresma ngayong linggo, nagbigay ng payo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na iwasan ang paggamit ng social media bilang anyo ng sakripisyo.

Ayon sa CBCP, dapat isama sa pag-aayuno ang paglayo sa mga distraksyon, kabilang ang digital media. Inirekomenda ang pagbabawas ng paggamit ng telepono bago matulog at pagkagising, limitasyon sa social media at streaming, at device-free na pagkain at pagtitipon. Pinayuhan din ang paminsang 24-oras o weekend digital fasting, pagtanggal ng nakakagambalang apps, at pagpapalit ng oras sa panalangin, serbisyo, pagbasa, o pakikipag-usap sa iba.

Binanggit na ang digital fasting ay naglalayong ilihis ang pansin mula sa sarili tungo sa paglilingkod sa kapwa, na nagreresulta sa mas maraming oras para sa panalangin, pagbasa ng Bibliya, gawaing kawanggawa, at makabuluhang pakikipag-ugnayan.

Nagsisimula ang Kwaresma sa Pebrero 18, Abo Miyerkules, bilang 40-araw na panahon ng panalangin, pag-aayuno, at kawanggawa.