-- ADVERTISEMENT --
Hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na na magsuot ng puti tuwing misa at ipagdasal ang bansa.
Sa pastoral letter ni CBCP president Cardinal Pablo Virgilio David, na bilang bahagi pa rin ng National Call to Prayer and Public Repentance na magtatapos hanggang Kapiyestahan ng Christ The King sa Nobyembre.
Ang kasuotan na puti ay sumisimbolo ng kalinisan ng kalooban at puso.
-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ito ng panawagan CBCP na mailigtas ang bansa sa anumang kalamidad gaya ng bagyo at lindol ganun din ay para malayo ang bansa sa iba’t-ibang anomaliya.