Inanunsyo ng Pantone ang Color of the Year para sa 2026: ang “Cloud Dancer.”
Inilarawan bilang “isang malambot na puti na may pakiramdam ng kapayapaan,” ang kulay ay sumisimbolo ng katahimikan sa isang maingay na mundo.
“Katulad ng isang blangkong canvas, ang PANTONE 11-4201 Cloud Dancer ay sumisimbolo ng ating hangaring magsimula muli. Sa pagtanggal ng lumang pananaw, binubuksan natin ang pinto sa mga bagong paraan,” ayon sa Pantone.
Dinisenyo ang kulay upang hikayatin ang pagpapahinga at malikhaing pag-iisip. Ani Leatrice Eiseman, Executive Director ng Pantone Color Institute, “Ang ingay sa paligid natin ay naging labis, na nagpapahirap marinig ang tinig ng ating kalooban. Isang sinadyang pahayag ng pagpapasimple, pinapalakas ng Cloud Dancer ang ating pokus, nagbibigay-luwag mula sa distraksyon ng mga panlabas na impluwensya.”
Versatile ang kulay sa paggamit, maaari itong umangkop, makiharmonya, at lumikha ng kontrast.













