-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) Aklan na bukas ang kanilang mga election offices tuwing araw ng Sabado at Linggo sa pagsisimula ng continuing registration sa Agosto 1-10, 2025.

Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, tagapagsalita ng Comelec-Aklan na sisimulan nila ang pagtanggap ng applications para sa voter registration mula Lunes hanggang Linggo, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nilinaw ni Gerardo na hindi sila tumatanggap ngayon ng aplikasyon para sa local transfer.

Ang mga tinatanggap lamang nila ay ang registration, kung saan target nito ang mga may edad na 15 hanggang 17 anyos na mga bagong botante gayundin ang change/correction of entries sa registration records, reactivation of registration records, Inclusion of Registration Records and Reinstatement ng pangalan sa talaan ng mga botante, Updating of Records ng mga PWD, Senior Citizen, at miyembro ng IP at ICC.

Maaari aniyang magdala ng marriage at birth certificate for change status at correction of entries.

-- ADVERTISEMENT --

Sa layuning magkaroon ng maraming mga bagong botante ang makapa-rehistro, ipinaabot ni Gerardo na magsasagawa sila ng satellite registration sa ilang mga barangay at iba pang lugar.

Nauna nang inihayag ng Comelec na target nila ang nasa isang milyong mga bagong voter application o SK registrants sa buong bansa sa kanilang mga tanggapan para sa 2025 Barangay and SK elections.

Nilinaw pa nito na sumusunod lamang sila sa ipinapatupad na batas lalo na kung itutuloy o ipagpaliban muna ang nakatakdang eleksyon sa Disyembre.

Patuloy naman ang panawagan ng komisyon sa mga botante na magparehistro upang makaboto sa nalalapit na eleksyon.