KALIBO, Aklan—Patuloy ang paghahanda ng Commision on Elections (Comelec) Aklan para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na orihinal na naka-schedule sa Disyembre 1, 2025.
Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, tagapagsalita ng Comelec-Aklan na sa kabila ng mga espekulasyon kaugnay sa postponement ng BSKE sa susunod na taon ay magpapatuloy ang mga ito sa kanilang paghahanda para sa eleksyon.
Hinihintay aniya ng komisyon ang magiging pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung lalagdan o i-veto ang nasabing proposed bill.
Matatandaan na sa ilalim ng ni-ratipikahang panukalang batas bago pa man nagtapos ang 19th Congress ay gaganapin sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 ang BSKE.
Samantala, ang voter’s registration para sa BSKE ay sisimulan sana noong July 1 hanggang 11 ngunit inilipat ng Comelec sa October 2025 hanggang July 2026.