Muling tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC Kalibo na handa silang ipagpatuloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections kung sakali na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema at ideklarang unconstitutional ang pagpapaliban nito. Ito ang ipinahayag ni Atty. Christian Itulid, election officer IV ng Comelec Kalibo.
Maaalala na nauna nang nilagdaan ni President Bongbong Marcos Jr. ang batas para ipagpaliban ang Barangay and SK elections na nakatakda sanang isagawa sa December 1.
Samantala, nilinaw ni Atty. Itulid na natapos na noong Agosto 10 ang sampung araw na nationwide voters registration para sa nasabing eleksyon.
Ito ay matapos na marami parin ang pumupunta sa kanialng tanggapan at nagtatanong ukol dito.