Comelec chairman Garcia, ginpaathag ro 3 ka basehan para sa posibleng diskwalipikasyon it kandidatura ni Alice Guo
-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng kasiyahan ang Commission on Elections (COMELEC) sa desisyon ng Manila Regional Trial Court na pumabor sa quo warranto petition laban kay Alice Guo, na idineklarang walang bisa ang kanyang termino bilang alkalde ng Bamban, Tarlac, dahil siya umano ay isang Chinese national.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nakatakbo at nanalo si Guo dahil walang nagkuwestiyon sa kanyang Certificate of Candidacy (COC), at binigyang-diin na ministeryal lamang ang tungkulin ng komisyon sa pagtanggap ng COC.

Sinabi rin ni Garcia na ang kasong ito ay dapat magsilbing paalala para maging mas mapanuri sa mga kandidatong may kahina-hinalang kwalipikasyon.

Matatandaang nakadetine na si Guo mula Setyembre ng nakaraang taon, matapos siyang masampahan ng kasong qualified human trafficking ng Department of Justice.